Salamat Po!
- Fr. JC Rapadas, SVD
- Oct 11, 2019
- 3 min read
ISANG ARAW, may matandang babae na pumasok sa LRT. Nakita niyang puno ito at wala nang maupuan. Tumayo siya gitna at humawak sa railings. Nakita siya ng isang batang lalake, at ibinigay nito ang kanyang upuan.
Sabi ng lalake: Maupo po kayo nay! Hinimatay ang matandang babae.
Nung gumising na ang matandang babae, tinanong siya. Bakit po kayo hinimatay? Kumain na po ba kayo?
Ang tugon ng matanda: OO kummin ako. Hinimatay ako dahil nagulat ako. Meron pa palang gentleman ngayon na nagbibigay ng upuan sa tren. Salamat ha!
At hinimatay din and lalake. Nung magising siya, tinanong ng mga tao kung bakit siya hinimatay.
Ang sagot nya, Hinimatay akt dahil may tao pa paling marunong magpasalamat.

SA ATING EVANGHELIO, narinig natin ang pagkalungkot ni Hesus na isa lamang sa sampung taong napagaling ang bumalik at nagpasalamat.
Sa ating UNANG PAGBASA, narinig natin na pagkatapos mapagaling ni Naaman mula sa kanyang ketong, bumalik siya kay Elisha upang magpasalamat sa pamamagitan ng pagbibigay na regalong-pasasalamat.
ANG KABUTIHAN NG DIYOS AY LIBRE, WALANG PINIPILI AT PANGHABANG BUHAY.
Ang kabutihan ng Diyos ay ibinigay sa atin ng walang bayad or kapalit. Ito ay para sa lahat ng tao. Makasalanan man o hindi. Naniniwala man o Hindi.
Sa ating ebanghelyo ang taong bumalik upang magpasaslamat ay isang samaritano, hindi Hudyo. Si Naaman ay taga Syria. Hindi Taga Jerusalem. Ngunit sila ay pinagaling. Walang pinipili ang kabutihan ng Diyos. Magpasalamat man tayo o hinde, siya ay mananatiling Dios na mapagpala.
SENSE OF ENTITLEMENT: PAGKAMAKARAPATAN: PAGKATUSO
Ito ang kabaliktaran at kabalintunaan ng pagpapasalamat. Sense of Entitlement. Ito young feeling na sa lahat ng bagay ikaw ay karapatdapat bigyan at pagbigyan. Yung feeling na sa lahat ng bagay dapat ikaw, dapat sa’yo.
Sa Traffic, Dapat pagbigyan ako mas maganda ang kotse ko sa iyo e.
Dapat paunahin ako sa pila, Boss ako e.
Dapat bigyan mo ako ng time. Dapat ako muna. Dapat sa akin lang yan.
Dapat lunes palang nalabahan na ang mga damit ko.
Dapat ako muna pagsilbihan mo. Dapat pagalingin mo ako.
Nakakalimutan nating ang kabutihan ng Dios at ng ibang tao ay karapatan din nilang igawad o ibigay sa taong nais nilang pagbigyan.
Kung nabiyayan tayo, magpasalamat tayo. Lahat ay bigay lamang. Lahat ay biyaya.
2. ANG MGA NAGPAPASALAMAT AY PINAGPAPALA PA LOLO.
Hindi kailangan ng Diyos ang ang pagpapasalamat. Bagkus, kailangan nating magpasalamat sa Diyos dahil dito tayo lalago sa kabanalan. He does not need our gratitude. But we need our gratitude to grow in holiness.
Ang pagpapasalamat ay pagkilala sa nagbigay, sa ibinigay, at sa pagbibigay. Kung nagpapasalamat tayo sa Dios sa mga biyayang natanggap natin, binubuksan muli natin ang ating sarili para sa punuin ulit tayo.
MALAPIT NA PO ANG PASKO: tatanggap na naman tayo ng napakaraming regalo. May bonus na naman sa opisina. May 13th month. May cash-gift. May mga magbibigay na naman sa atin ng damit, tuwalya. Mananalo na naman tayo sa bingo o raffle draw ng kawali, unan, baso, plato at iba pa.
ANG PASKO AY ARAW NG PAGBIBIGAYAN. Pero nakakalimutan nating araw din ito ng pagpapasalamat. Nakakalimutan nating ang pagtanngap ay kalakip ang pagpapasalamat. At kalakip ng pasasalamat at pagpapala ay misyon, kalakip ay paglilingkod.
3. ANG MGA BINIBIYAYAN AY INAANYAYAHANG MAGBAGONG BUHAY.
Lahat ng pinagaling ni Hesus sa mga kwento sa Biblia ay binigyan nya ng misyon. Humayo ka. Napatawad na ang iyong mga kasalanan. Humayo ka, mahalin ang kapwa.
Ibig sabihin, ang bawat biyaya na ibinigay sa atin ay mga misyon na iginawad sa atin.
Binigyan ka ng kayamanan, misyon yan para magbahagi sa mga nangangailangan.
Binigyan ka ng mabuting kalusugan, misyon yan upang gamitin ang lakas sa pagsisilbi.
Binigyan ka ng Pamilya, misyon mo yan upang alagaan at pagyamanin at ilapit sa Dios.
Binigyan ka ng Bahay at Kotse, gamitin mo sa kabutihan. Wag makipag-away sa kalsada pag traffic.
Binigyan ka ng talento, misyon mong pagandahin at bigyan kulay ang mundo.
Binigyan ka ng ministeryo bilang lector, Extra-ordinary Minister of Communion, Altar Server, mission mo Yan sa pagsisilbi sa Dios at simbahan, at mission mong isabuhay and iyong ministeryo.
Kagaya ng paulit-ulit na sinasabi sa atin: ANG MISA AY ANG PINAKADAKILANG paraan ng Pasasalamat sa Diyos. Ang Eukaristiya, ay nagmula sa Salitang Hebreo na Pagpapasalamat. Ang misa din ay diluyan nga biyaya ng Diyos. May ipagpapasalamat ka, Magsimba. May hiinihingi ka, Magsimba. Gusto mong lumalim ang pananampalataya, Magsimba.
Nawa po ay di nating makalimutang magpasalamat sa Dios sa lahat ng ibinibigay niya, at sa bawat taong nakakatulong sa atin, at makita ang ating mga blessings bilang mga misyon.
Comments