Paghahanda sa pagtatagpuan
- Fr. JC Rapadas, SVD
- Dec 1, 2019
- 3 min read
Sabi nila, Love ia sweeter the second time around.

Dumating na naman po tayo sa panahon ng adviento. Ang ibig sabibin ng Adviento ay pagdating at paghahanda. Sa panahon na ito pagninilayan natin ang pagdating ni Hesus 2000 years ago at ang kanyang pagdating sa hinaharap na hindi natin alam kung kailan at paano.
Sa seconds time na pagdating ni Krsto ay mas makikilala natin siya dahil darating siya sa kaluwalhatian. Pero sana ay handa tayo para rito.
Sa pasimula ng calendario ng simbahan at sa pag-aalala sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo, gusto ng simbahan na magnilay tayo patungkol sa paghahanda natin sa pagdating ni Kristo.
Sa ating ebanhelio maririnig nating binabalaan at pinapaalalahanan tayo ni Hesus sa kanyang pagdating na magdudulot ng di pagkakaintindihan, kasalungatan, at pagkakawatak-watak ng mga tao lalo na ang mga kasapi sa isang pamilya dahil sa ibat-ibang pagkakakilala at pananaw sa paghahari ng Diyos. "May dalawang lalakeng nagtratrabaho sa bukid, kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang babaeng nasa gilingan, kukunin ang isa at iiwan ang isa."
Nangyari po ito sa mga disipolo at iba pang taga sunod ni Kristo. Nagkaroon ng pagkakawatak-watak ang mga pamilya dahil hindi naatim at hindi tinanggap ng mga Israelita si Hesus sa kanyang unang pagdating bilang mesiyas. HINDI NAGING HANDA ANG SANGKATAOHAN SA UNANG PAGDATING NI KRISTO. Dahil inaasam nila ay isang maringal na pagdating, marangya at makapamgyatihan na lider pang plitikal ang inaasahan nila.
Sa ikalawang pagdating ni Kristo kaya? Handa na ba kaya ang sangkataohan sa ikalawang pagbabalik ni Kristo? Aasahan din ba natin na darating siya sa maringal na paraan?
Galing po ako sa SM Mega Mall kanina at tunay nga namang handang handa na ang mga pilipino para sa pasko. May mga sale na.
Nandun ako sa Paulines at nandun din ang isang maglola. Namimili sila ng belen. Ang sabi ng apo, yung tatlong characters lamang. Si Hesus, Maria at Jose. Sabi naman ng Lola, "itong complete set na para parang pasko talaga, parang nung nangyari noong ipinanganak si Hesus."
Napaisip ako. Ano nga ba ang nangyari, o ano nga ba ang meron noon unang pasko? Hindi natin alam. Ngunit sigurado akong payak ang unang pasko.
Sa pasimula ng simbang gabi ay may handaan na. Napakapopular s mga Pilipino ang Handaan. Handaan ay pagdiriwang, pagdating, salo-salo, at pagtatagpo. Naghahanda tayo dahil magtatagpo tayo.
Ito ang diwa ng adviento, ag paghahanda sa pagtatagpo.
Tatagpuin tayo ng Diyos. Magiging tao siya kagaya natin. Makikipamuhay ang diyos sa atin.
Sa unang pagdating ni Kristo, nakipamuhay siya sa atin. Sa ikalawang pagdating niya, makikipamuhay tayo saa kanya.
Ito ang pakay at kabuluhan at katuparan ng ating buhay sa mundo, ang mabuhay kasama ng diyos.
1. Magdasal na ihanda tayo mg Panginoon. Tanging siya lamang makakapaghanda sa atin.
2.the usual things. Magmahalan, magbigayan at maging mabuting tao . At gawin ang mga ito sa ngalan ng Pagmamahal na walang inaantay na kapalit.
3. Pagiging payak.
Ang ilaw ng korona ng adviento. Napakarami nang nagnining ning. Napakarami nang ilaw.
Noong nandun po ako sa kabundokan ng Mindoro sa kamangyanan, tuwing gabi ay nakikita ko ang napakagandang mga bituin sa kalangitan. Nandyan ang mga constellations of starts na di natin makikita sa siyudad dahil ang mga ilaw sa syudad ay nagiging balakid upang makita natin ang kalangitan.
Sa ating paghahanda, naway di mapukaw sa ating paningin ang ilaw ni Kristo. Naway di natin makaligtaan ang ilaw na habambuhay magniningning. At naway di tayo masilaw sa mga kumikislap na ilaw ng mundo.
Comentários