top of page
Search

Hindi Tayo Inulila

  • Writer: Fr. JC Rapadas, SVD
    Fr. JC Rapadas, SVD
  • May 16, 2020
  • 4 min read

(Published for Sambuhay Misallette)

Nasubukan mo na bang maiwanan?


Maiwan ng bus o eroplano?


Maiwan ng kadate o minamahal?


Maiwan ng ka-meet up o ka-appointment?


Paniguradong naranasan na natin ang maiwanan ng isang tao o bagay na mahalaga sa atin. Sa katunayan, hindi tayo nagkakaroon ng kaisipan ng pagkaiwan kung hindi malaga ang tao o bagay na nawala sa atin. Sa pagitan ng naiwanan at ng nangiwan ay isang ugnayan o relasyon na may halaga. Kung hindi mahalaga ang tao o bagay na aalis, Wala lang! Okay lang kung mawala! Pero kung kung may halaga ang isang bagay o tao na nawala, mararamdaman natin ang pagkaiwan natin at ang kalakip na damdamin sa pagkakaiwan ay pangungulila.

Sa ating mga pagbasa sa linggong ito, inihahanda tayo ni Hesus tungkol sa kanyang kapistahan sa pag-panhik sa langit na Siyang ating ipagdiriwang sa susunod na linggo. Ang pag-akyat ni Hesus sa langit ay nangangahulugan na iiwanan niya ang kanyang mga alagad. Subalit ang pag-akyat ni Hesus sa sa langit ay hindi nangangahulugan ng kawalan, at hindi rin naman nangangahulugan ng pagpapabaya. Bagkus ito ay pag-sasakatuparan ng dakilang mithiin ng Diyos na gabayan ang mundo patungo sa kanyang pag-ibig at sa pagkakamit buhay na walang hanggan.


Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, ang misyon ni Hesus ay maipagpapatuloy hanggang sa wakas ng panahon. Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, naipagpatuloy ng mga alagad ang Gawain ni Hesus ng pagpapagaling ng mga may sakit, pagpapalayas sa mga masasamang Espiritu, at pagtuturo nang may kadakilaan at katapangan ayon sa unhang pagbasa.


Sa katunayan, ang isang pangunahing pagpapatotoo ng pagkabuhay na magmuli ni Kristo ay hindi lamang ang walang laman na libingan kundi ang katapangan at kapangyarihan na naipamalas ng mga alagad. Sa mga panahon pagkatapos ng pagpako kay Kristo sa Krus, takot ang nanaig sa mga alagad ngunit pinanibago at pinatapang sila ng kanilang pagkamalas ng muling nabuhay na si Hesus. Pinadalisay at pinagin-dapat niya sila na maging mga tagapatotoo sa pamamagitan ng katapangan at kapangyarihan.


Ang Espíritu Santo na siyang tinanggap natin sa Binyag at pinagtibay sa Kumpil, ay handog sa atin ng Diyos upang tayo ay bigyang kasiguradohan na hindi iniwan sa kawalan kundi iniwan para sa mas malalim at malawak na ugnayan. Sa pisikal paglisan ni Kristo sa mundo, ang pagsugo ng Espíritu ay nangangahulugan na tayong mga tao na nananampalataya ay mahalaga at may ugnayan sa Diyos. Sa pamamagitan Espíritu, hindi tayo inulila kundi pinagkatiwala.


Hindi tayo inulila ng Diyos. Hindi tayo pinabayaan ng Diyos. Hindi tayo kinalimutan ng Diyos. Hindi tayo iniwan sa ere ng Diyos. Hindi tayo pinaasa lamang ng Diyos. Sabi nga sa ating ikalawang pagbasa, nawa ang ating inaasahan o pinananampalatayaan ay maipakita natin sa paraan ng ating pamumuhay.


Kung mayroong pinananampalatayaan, ibig sabihin may inaasahan, kung may inaasahan ibig sabihin may pag-ibig at kung may pag-ibig, may misyon tayo. Misyon nating isabuhay ang pananampalataya natin at manindigan para kay Kristo; at ito ay naipapakita sa pag-ibig sa Diyos, pagmamahal sa kapwa at pagmamalasakit sa kalikasan. Misyon din natin ang buong katapangan na manindigan sa katotohanan dahil ito ang pagkakakilanlan sa Espiritu na ating natanggap at ito ang magpapatotoo na tayo ay mga tagapatotoo ni Hesukristo.




First Reading | Acts 8:5-8, 14-17

And Philip went to a Samaritan town and proclaimed the Christ to them. The people unanimously welcomed the message Philip preached, because they had heard of the miracles he worked and because they saw them for themselves.


For unclean spirits came shrieking out of many who were possessed, and several paralytics and cripples were cured.


As a result there was great rejoicing in that town.


When the apostles in Jerusalem heard that Samaria had accepted the word of God, they sent Peter and John to them, and they went down there and prayed for them to receive the Holy Spirit, for as yet he had not come down on any of them: they had only been baptised in the name of the Lord Jesus. Then they laid hands on them, and they received the Holy Spirit.


Responsorial Psalm | Psalms 66:1-3, 4-5, 6-7, 16, 20

Let all the earth Cry out to God with joy.


Second Reading | First Peter 3:15-18

Simply proclaim the Lord Christ holy in your hearts, and always have your answer ready for people who ask you the reason for the hope that you have.


But give it with courtesy and respect and with a clear conscience, so that those who slander your good behaviour in Christ may be ashamed of their accusations.


And if it is the will of God that you should suffer, it is better to suffer for doing right than for doing wrong.


Christ himself died once and for all for sins, the upright for the sake of the guilty, to lead us to God. In the body he was put to death, in the spirit he was raised to life,


Gospel | John 14:15-21

If you love me you will keep my commandments.


I shall ask the Father, and he will give you another Paraclete to be with you for ever, the Spirit of truth whom the world can never accept since it neither sees nor knows him; but you know him, because he is with you, he is in you.


I shall not leave you orphans; I shall come to you.


In a short time the world will no longer see me; but you will see that I live and you also will live.


On that day you will know that I am in my Father and you in me and I in you.


Whoever holds to my commandments and keeps them is the one who loves me; and whoever loves me will be loved by my Father, and I shall love him and reveal myself to him.'

 
 
 

コメント


Join my mailing list

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

bottom of page