top of page
Search

Ang Kasalanan sa Kawalan

  • Writer: Fr. JC Rapadas, SVD
    Fr. JC Rapadas, SVD
  • Sep 27, 2019
  • 4 min read

HOMILY: Amos 6:1b-4-7 | 1 Timothy 6:11-16 | Luke 16: 19-31


KASALANAN NG PAGKAKANYA-KANYA PAGSASAWALANG BAHALA.


Wala akong pakiaalam sa iyo!


Bahala ka sa buahay mo!


Mahihirap kayo kasi mga tamad kayo!


Ang mga katagang ito ay nagsasalamin sa mensahe ng ating mga pagbasa sa linggong ito. Sa ating unang pagbasa, narinig natin ang magarbo at maranyang pamumuhay ng mga taga-sion. Narinig natin na natutulog sila sa maluhong marfil na higaan, kumakain sila hindi lang ng masagana, kundi mga natatangi o high end na mga pagkain. Namumuhay sila ng magarbo, maluho at marangya pero hindi nila pinaki-alaman, hindi nila binigyang pansin, ni-hindi man lang nila binigyang kibo ang nangyari sa mga tipi ni Jose, na namuhay sa kasalanan. Namuhay sila sa luho ng karangyaan ngunit hindi sila nagpahayag ng galit o pagpapahayg ng pagtutol sa katiwalian, kamapagmataasan at katamaran ng mga taga hilagang bahagi ng kaharian.



KASALANAN BA ANG MAGING MAYAMAN?

Hindi kasalanan ang maging mayaman. Hindi kasalanan ang maging marangya o maluho. Lalong-lalo na hindi rin naman kasalanan ang maging mahirap. Sa katunayan, ang maayos na pamumuhay ang ating packa sa buhay. Ginawa tayo pang mamuyhay ng masagana.


Pero alam po ba ninyo kung ano ang kasalanan? Ang kasalanan ay nandoon sa agwat at puwang sa pagitan ng mayamang tao at ni lazaro na sinasalysay sa ating ebanghelyo. Ang maging malayo ang agwat sa pagitan ng mahirap at mayaman. Ang lumalayong agwat ng antas ng pamumuhay, lumalayong lifestyle, lumalayong ugnayan ng mga mayayaman at ng mahihirap. Ang mayaman lalong yumayaman, habang ang mga mahihirap ay lalong humuhirap. Ang kawalan ng pakikialam. Kawalan ng pakikisimpatya. Kawalan ng pakiki-isa. Ang kawalan ng malasakit. -parang nakikiisa sa passait ng iba.


Kasalanan ito, dahil kung lumalayo ang agwat sa pagitan ng mayayaman at ng mahihirap, ibig sabihin ay may mali sa ating lipunan at may Mali sa ating paraan ng pamumuhay. Something is wrong with our society. Something is wrong with our communal way of life.


NASA PUSISYON TAYO UPANG TUMULONG.

Hindi natin maikakaila na mayroong mayaman at mayroong mahirap. Hindi natin maikakaila na malayo na ang agwat. Kung may mahirap, may mayaman. Kung tayo ay kumakain ng talon beses sa isang araw, tiyak mayroon ding hindi nakakain. Magpasalamat tayo.


Kung mayroon king pagkain sa mesa, may damit, may cellphone, may bahay, nakakaligo ka naman kaait papaano, ibig sabihin into ay binigyan tayo ng pagkakataon para pagkaroon na makatulong, pagkakataon upang magbahagi. If we eat three times a day, it means we are blessed. Then we must be thankful. But it also means we are given the opportunity to be in the position of power to help those who have none.


Kung mayroong antas ang mahirap, mayaman, elitista, may kaya, maralita o sobrang hirap, o duha at nakita mo ang sarili mong may kakayahan, hindi ka naman subrang yaman at hindi rin naman sobrang hirap, ibig sabihin ay nasa pozisyon Kang tumulong. Nasa posisyon Kang maki-isa. Nasa posisyon Kang dumamay. Ang kakulangan ng mayamang tao sa ating kwento ay hindi siya naki-alam. Hindi siya tumulong. Hindi siya dumamay. Hindi siya nakiisa. Hindi siya nagmalasakit.


Ang simbahan ang magsisilbing magtuturo sa atin ng mga bagay na ito, bago pa man mahuli ang lahat. Hindi sa tinatakot kayo, kundi para magkaroon kayo ng pagkakaton na magmalasakit, at makita ninyo ang sarili ninyo sa buhay ng iba. Pinapaalalahanan kayo ng simbahan upang makibahagi. Mgamalasakit.


MGA TURONG PANLIPUNAN NG SIMBAHAN

Alam nyo ba na mayroong turn panlipunan ang ating simbahan? Kung mayroong 10 commandments, beatitudes, corporal works of mercy, spiritual works of mercy, ay heron din pong Social Teachings of the Church.


  1. The Dignity of the Human Person. We are made in the image and likeness of God. (Genesis 1:27). Naglalayong bigyang halaga ang buhay ng tao kayos mga bagay.

  2. Rights and responsibilities; social justice. May karapatan at may responsibilidad. Malaya at may dignidad and bawat isa sa atin. Drug addict man o Hindi. Mayaman man o mahirap. Babae man o lalake. Banal o makasalanan. Pare-pareho and ating dignidad.

  3. Solidarity. Pakiki-isa. Pakikidamay. We are connected with one another. Participation. Pakikilahok sa mga bagay na magpapabuti sa ating pamumuhay at ikakaganda ng lipunan, kumunidad at pamilya. Wag maging marmot at makasarili.

  4. Preferential Option for the Poor and the Vulnerable. Dahil mas nangangailangan ang mga mahihirap bibigyan natin sila ng mas kaukulang pansin. Ang ating simbahan ay para sa lahat.

  5. Universal Distribution of Earthly Goods. And Yaman ng ating mungo ay para sa lahat.

  6. Care for God's creation. Pangalagaan and ating kapaligiran at kalikasan. And sabi ni Pope Francis, sa pagpapabaya at pag-abuso natin sa ating kalikasan, ang mga mahihirap ang unang mga biktima.




It po ay Hindi gawa-gawa ng ating simbahan. Ang mga turong ito ay bunga ng pagninilay ng Simbahan sa salita ng Dios at sa pakikipamuhay sa mga mahihirap. Nilalaman sila ng mga sulat ng mga santo papa at nanggaling po sila sa ebanghelyo. Ito po ang dahilan kung bakåt ang simbahan ay plaging sinasabihang nakikisaw-saw sa pulitika.


Hindi po nakikisaw-saw ang simbahan sa politika. Nagtuturo lamang po ito sa lipunan, Sa kaayosan, Sa kabutihang turo ng ebanghelyo:

  • Na sana ay hindi maiwan ang mga mahihirap sa kaunlaran.

  • Na sana tayo ay magmalasakit.

  • Na sana ay responsable tayo sa pag-gamit ng yaman ng ating kalikasan.

  • Na sana tay ay makisama, makilahok, maki-isa.

  • Na sana ay dakilain natin ang buhay ng bawat isa, ng mga mahihina at ng kalikasan.

 
 
 

Comentários


Join my mailing list

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

bottom of page