top of page
Search

Kadakilaan

  • Writer: Fr. JC Rapadas, SVD
    Fr. JC Rapadas, SVD
  • Nov 23, 2019
  • 5 min read


Ngayon ay dinadakila natin si Kristong Hari, hari ng sanlibutan. Ang maringal at marangyang imahe ng isang Hari ang tanging maihahambing natin, pananalitang tanging kaya nating italaga, ihambing, at iniuugnay sa Diyos. Ano pa ba ang ibang dakilang pananalita o konsepto na kaya nating isinin? May dadakila pa ba sa isang Hari ayon sa ating makataong pagkakaintindi? Wala na.


Sabi nga sa Palabas na The Lion King: “Look SImba, everything the light touches is our Kingdom.”


Kaya naman ito ang ating tanging maihahambing sa kadakilaan ng Diyos. Ngunit hindi sapat ang karingalan, kadakilaan ng isang har upang ilarawan at ipakilala ang Diyos. Hindi kailan man masusukat ang pagkadakila ng Diyos.


Gusto ko kayong mag-imagine ng isang linya na patas-ngpatass. Walang hangganan ang kanyang pagtaas. Unlimited. Limitless na linya.


Ganyan po ang kattohanan ng Diyos. Infinite. Unlimited. Limitless. Kung pataas siya ng pataas ng walang humpay, ibig sabihin ay pababa0ng pababa din siya infinitely.

Walang humpay na linya. Walang katapusang pag-taas at pagbaba.

Tapos biglang dumating ang kasaysayan ng Tao. Ang kasaysayan na may pinagmulan. Ang kasaysayan ng tao at ang kasaysayan ng Dioys ay nagpangabut sa gitna, At yan ang Krus.


Kung kaya ng kadakilaan ng Diyos na na umusbong pataas ng walang humpay, kaya din niyng magpakababa para sa tao, at kaugnay sa katotohanan at kasaysayan ng tao. Ang walang hanggang katothanan ng Diyos ay kayang maging dakila. Ngunit kaya din niyang magpakababa nang di nababawasan ang kanyang kadakilaan.


Ang ebanghelyo natin ngayong linggong ito ay patungkol sa pagpapakababa ng Diyos; pagpapakababa na hindi nakabawas ng kanyang kadakilaan. Ipinako sa Krus, ipinahiya, pianagtawanan, kinutya, hinubaran, sinaktan. Lahat ng iyan ay hindi nakabawas sa kadakilaan ng Diyos, bagkus nakadagdag pa ang mga ito upang ipakita sa atin na kaya ng Dioys ang maging dakika, at kaya din niyang magpakababa.

Sabi nga ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa, sa pamamagitan ng pagkamatay ni Hesus sa Krus nagkasundo ang Dios at lahat ng nilikha sa langit at lupa.

Sino ba ang isang Hari?


Ang Hari ay pinuno ng isang kaharian. Isang pinuno upang mamuno. A Leader. Kung nais nating maging Hari, ng lipunan, Hari ng pamilya, Hari ng ating opisina, Hari ng mga samahan, ang ating responsibilidad ay mamuno. Punoin ang mga taong sumusunod sa atin. Punoin ang mga taong umaasa sa atin. Pero magagawa lamang nating mamuno kung tayo ay pinuno. Kung tayo ay pinuno ng Diyos. Bago tayo mag-hari, bago tayo mamuno, dapat tayo ay pinuno. Hayaan ang Dios na punoin tayo. At magagawa lamang ng Diyos na punoin tayo kung ibubihos natin ang ating mga sarili hanggang maubos tayo. Self-emptying so God could fill us to fill others.


Sabi a ulit sa palaces na The Lion King: “While other search for what they can take, a true King searches for what he can give.”


Ang bagong kahulugan ng paging Hari ay hindi pagsakup, hindi pag abuso, hindi pansarili, hindi lamang naka tira sa luklukan.


Ang bagong kahulugan ng pagiging hari o pinuno ay ang pagpapakababa. ANg bagong kahulugan ng pagiging hari ay ang paglilingkod, pagmamahal, pagpapayaman ng kanyang mga kasamahan at pagpapakumbaba na siyang ipinahayag ni Hesus sa ating Ebanghelyo ngayon.


Ang krus hindi lamang pataas. Ito ay pababa rin.


Sabi nga ni Santo Papa Benedicto, "Handog ng mundo ay ginhawa. Ngunit hindi tayo nilikha dahil sa ginhawa; kundi para sa kadakilaan." Ngunit hindi lamang sa karingalan, karangyaan, pagiging makahari o kataasan nasusukat ang pagiging dakila. Nasusukat dn ito sa kababaan. Nasusukat din ang kadakilaan sa kalaliman.


Ang krus ay di lang pataas at pababa. Ito ay pahalang din.


Nagiging dakila tayo kapag tayo sa pakikipagkapwa. Nasusukat ito sa ehemplo naipinamalas ni Hesus sa atin sa ating ebanghelyo, ang Pagpapatawad. Tanging ang mga dakila lamang ang kayang magpatawad.



PAGBASA


UNANG PAGBASA 2 Samuel 5, 1-3

Noong mga araw na iyon, nagkaisa ang lahat ng angkan ng Israel na pumunta sa Hebron upang makipagkita kay David. Sinabi nila, “Kami’y laman ng iyong laman at dugo ng iyong dugo. Nang si Saul ang hari namin, nanguna ka sa mga kawal ng Israel sa pakikipagdigma. Ipinangako sa iyo ng Panginoon na gagawin ka niyang hari upang mamuno sa kanyang bayan.” Lahat ng matatanda ng Israel ay nagpunta nga sa Hebron at doo’y nakipagkasundo sa kanya sa harapan ng Panginoon. Binuhusan nila ng langis si David at kinilalang hari sa Israel.

SALMONG TUGUNAN Salmo 121, 1-2. 4-5


Tugon: Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos.

Ako ay nagalak, sa sabing ganito: “Sa bahay ng Poon ay pumasok tayo!” Sama-sama kami matapos sapitin, ang pintuang-lungsod nitong Jerusalem. Dito umaahon ang lahat ng angkan, lipi ni Israel upang magsambahan, ang hangad, ang Poon ay pasalamatan, pagkat ito’y utos na dapat gampanan. Doon din naroon ang mga hukuman at trono ng haring hahatol sa tanan.


IKALAWANG PAGBASA Colosas 1, 12-20

Mga kapatid, magpasalamat kayo sa Ama, sapagkat minarapat niyang ibilang kayo sa mga hinirang na magmamana ng kaharian ng kaliwanagan. Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak. Sa pamamagitan ng Anak, tayo’y pinalaya at pinatawad sa ating mga kasalanan. Si Kristo ang larawan ng Diyos na di nakikita, at siyang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha. Sapagkat ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga naghahari at namamahala, mga namumuno at may kapangyarihang espirituwal ay pawang nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya. Siya’y una sa lahat, at sa kanya nasasalalay ang kaayusan ng lahat ng bagay. Siya ang ulo ng simbahan na kanyang katawan. Siya ang Una, ang panganay na Anak ang unang nabuhay na muli upang siya ang maging pinakadakila sa lahat ng bagay. Ipinasiya ng Diyos na ang kanyang kalikasan ay manatili rin sa Anak, at inibig niyang ang sandaigdigan ay makipagkasundo sa kanya sa pamamagitan ng Anak. Sa pamamagitan ng pagkamatay nito sa krus, nagkasundo nga ang Diyos at ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa.



MABUTING BALITA Lucas 23, 35-43

Noong panahong iyon, nilibak si Hesus ng mga pinuno ng bayan. Anila, “Iniligtas niya ang iba; iligtas naman niya ngayon ang kanyang sarili, kung siya nga ang Mesiyas, ang hinirang ng Diyos!” Nilibak din siya ng mga kawal, nilapitan at inalok ng maasim na alak. Sinabi nila, “Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.”


At nakasulat sa ulunan niya sa wikang Griego, Latin at Hebreo, “Ito ang Hari ng mga Judio.” Tinuya siya ng isa sa mga salaring nakabitin, at ang sabi, “Hindi ba ikaw ang Mesiyas? Iligtas mo ang iyong sarili, pati na kami!” Ngunit pinagsabihan siya ng kanyang kasama, “Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw ma’y pinarurusahang tulad niya! Matuwid lamang na tayo’y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito’y walang ginawang masama.”


At sinabi niya, “ Hesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.” Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa iyo: ngayon di’y isasama kita sa Paraiso.”

 
 
 

Comments


Join my mailing list

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

bottom of page